Lalaki sa Santiago City, Timbog sa Buy Bust!

Arestado ang isang indibidwal matapos itong mahulog sa pain ng kapulisan sa isinagawang drug buy bust operation dakong alas singko kahapon sa barangay Mabini Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Joselito Dangaran, 42 anyos, may asawa at residente sa naturang lugar.

Batay sa report ay nagsagawa ng operasyon kontra iligal na droga ang mga ototidad katuwang ang PNP station 1 ng mapag alaman ang iligal na pagbebenta ni Dangaran ng droga.


Nakuha naman ng pulis na nagpanggap na buyer ang isang sachet ng shabu at limang daang piso na ginamit bilang buy bust money.

Sa ngayon ay nasa kustudiya na ng Santiago City Police Office na ang suspek at nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act.

Facebook Comments