Pangulong Duterte, sinalba si Secretary Andanar mula sa mga batikos

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communications Secretary Martin Andanar sa batikos dahil sa pagdalo nito sa isang Event ng PDP Laban sa San Juan.

Matatandaan kasi na ipinagutos ni Pangulong Duterte sa kanyang mga gabinete na umiwas sa pangangampanya sa mga kandidato upang maiwasan ang mga batikos na baka nagagamit ang pondo ng taumbayan sa kandidatura ng isang pulitiko.

Ayon kay Pangulong Duterte, pinapunta niya si Andanar sa aktibidad ng PDP laban kung saan nangangampanya noon si dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go.


Paliwanag ng Pangulo, alam niya ang pagpunta doon ni Andanar dahil ito ang kumatawan sa kanya sa naturang aktibidad.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na ang ama ni Andanar ay isang miyembro ng PDP Laban.
Sinalba din naman ni Pangulong Duterte si Andnar sa issue ng pagpunta ng ilang Opisyal ng PCOO sa Europa kung saan sinabi ng Pangulo na ang PCOO naman ang Communications Arm ng gobyerno kaya ginagawa lang nito ang kanilang trabaho.

Pero sinabi din ni Pangulong Duterte na hindi siya nakikialam sa mga trabaho ng kanyang gabinete ang mahalaga lang ay maipaliwanag ni Andanar ang issue at tiyaking nagamit sa tama ang pondo ng taongbayan.

Facebook Comments