Lalaki sa US, kinagat ng buwaya sa mukha habang nasa gitna ng lawa

314
(Unsplash)

FLORIDA, US – Sugatan ang isang lalaki nang makagat ng buwaya sa mukha habang naghahanap ng discs o “Frisbee” sa isang lawa.

Inireport ng WFLA-TV, nasa kalagitnaan na ng tubig ng Taylor Lake ang biktimang si Travis Spitzer, 40, nang biglang umatake ang naturang hayop.


Naghahanap daw kasi siya noon ng Frisbees na ginagamit sa golf dahil naibebenta raw ito.

Nagtamo ng pinsala sa mukha at mga kamay si Spitzer dahil sa nangyaring atake ngunit inaasahan naman ang kanyang agarang pag-rekober.

Samantala, kasabay ng insidente ay pag-aresto sa kanya dahil sa umano’y trespassing nito sa naturang lawa.

Ayon naman sa ipinadalang salaysay ng Florida Fish and Wildlife Conservation Commission sa Tampa Bay Times, kapag daw tumataas ang temperatura ay mas lumalabas ang mga buwaya sa lawa.




Dito rin daw sila mas nagiging aktibo at umaatake.

Facebook Comments