Estudyante na Wanted sa Batas, Natimbog

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang estudyante matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest bandang 8:45 kagabi, Hunyo 16 sa Barangay Bunot, Mountain Province.

Kinilala ang akusado na si Nickle Bulli-ig, 22-anyos, binate at residente sa nasabing lugar.

Dinakip ang akusado matapos ang ipinalabas na arrest warrant ni Judge Jerson Angog, Presiding Judge, RTC, 2nd Judicial Region, Branch 25, Bulanao, Tabuk City, Kalinga para sa kasong RA 7610 “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act”.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapagpiyansa ng halagang P120,000.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang akusado para sa kaukulang disposisyon

Facebook Comments