Quarantine violator hinamon ang pulis sa social media, arestado

841

Muling dinakip ang isang quarantine violator sa Malolos, Bulacan makaraang hamunin ang pulisya sa social media, iniulat nitong Huwebes.

Ayon sa panig ng Malolos police sa ulat ng GMA News, dati nang hinuli ang ‘di pinangalanang lalaki matapos lumabas nang walang quarantine pass habang umiiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ).


Kasunod nito, nag-post sa Facebook ang lalaki ng pang-uudyok sa pulis na muli siyang hulihin dahil nasa labas siya at nagtitinda.

“Hulihin niyo ulit ako, nasa labas ako nagtitinda ng BBQ. Nasan na kayo?” paghahamon ng suspek.

Pinagsisihan naman ito ng suspek na dumipensang kailangan niya lamang maghanapbuhay dahil walang natanggap na ayuda mula sa pamahalaan.

Facebook Comments