Lalaki sa US, pinatay sa saksak dahil lamang sa sandwich!

Maryland, USATinadtad ng saksak hanggang sa mapatay ang isang lalaki matapos muling magbenta ang isang restaurant ng kanilang patok na chicken sandwich.

Nakapila sa restaurant ang 28-anyos na lalaking biktima nang magkaroon siya ng pagtatalo sa isa pang kustomer dahil sumingit ito sa linya.

Dito na nagkaroon ng gulo hanggang sa inundayan ng saksak ang biktima.


Patuloy ang pagtugis sa suspek.

Wala pang opisyal na pahayag ang restaurant hinggil sa insidente.

Facebook Comments