LALAKI SINAKO│ Bangkay na tadtad ng saksak, natagpuan sa Cabuyao Laguna

Laguna – Bangkay na nang matagpuan ang hinahanap na binatilyo sa Cabuyao, Laguna.

Sa ulat, inakalang basura ang laman ng isang sako na nakita sa estero pero bangkay ito ng 16-anyos na si Marlon Dela Cruz.

Tadtad ng tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.


Kinilala na rin ang suspek na si Ronald Manunbale na pinsan ng biktima at huli niyang nakaaway.

Mariing itinanggi naman ng ama ng suspek at iginiit na maraming kaaway ang kanyang pamangkin dahil isa itong magnanakaw at isang rugby boy.

Kinumpirma naman ng mga awtoridad ang record ni Dela Cruz at posibleng ibang tao ang pumatay sa biktima.

Facebook Comments