Joshua Garcia, ipinagtanggol si John Lloyd Cruz

*Showbiz* – Ipinagtanggol ng aktor na si Joshua Garcia si John Lloyd Cruz sa mga kinakaharap nitong kontrobersiya.

Nabatid na nag-viral ang mga videos ni Lloydie sa sumasayaw at kumakanta-kantang tila lasing nang magbakasyon sa Bantayan Island, Cebu.

Giit ni Joshua, mataas ang kanyang respeto at paghanga kay John Lloyd at hindi ito mababago.


Sobrang idol aniya niya ang batikang aktor kahit anuman ang nangyayari sa kanya.

Dagdag pa ni Joshua – hindi dapat kinuhahan ng video ang ginagawa ni John Lloyd dahil labag yun sa kanyang privacy.

Nanindigan si Joshua na walang mali sa ginawa ni Lloydie.

Facebook Comments