LALAKI, SINAKSAK ANG AMAIN HABANG NAG-IINUMAN

Sugatan ang isang 32 anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang anak-anakan sa kanilang bahay sa Luna, La Union.

Kinilala ang suspek na 28 anyos na mangingisda. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, habang nag-iinuman ay biglang nagkasagutan ang dalawa.

Dahil sa kalasingan, nauwi sa pisikalan ang away ng dalawa nang saksakin ng anak-anakan ang amain nito sa tiyan.

Naitakbo sa pagamutan ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling. Sa Kasalukuyan nasa Luna Police Station ang suspek para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments