Lalaki, sinaksak ang babaeng ‘nagtangkang ipakain siya sa zombie’

Arestado ang isang lalaki sa US matapos saksakin ang babaeng gusto raw siyang ipakain sa mga zombie nakaraang Biyernes, Oktubre 26.

Pinagsasaksak ni William Berry, 29, mula sa South Carolina, ang hindi pinangalanang biktima sa likuran, ayon sa ulat ng The Aiken Standard.

Rumesponde ang pulisya nang makatanggap ng tawag tungkol sa insidente at kalauna’y natagpuan sa highway ang suspek na nagtangkang tumakas.


Sinabi ni Berry sa pulisya na may “sinundot” siyang tao na masama sa kanya at sinusubukan daw siyang ipakain sa mga zombie.

Dinala sa Aiken County detention center at hindi pinayagang magpiyansa ang suspek sa kasong tangkang pagpatay at pag-aari ng armas sa oras ng krimen.

Ayon sa awtoridad, wala sa impluwensya ng droga o alak si Berry nang mangyari ang krimen.

Samantala, dinala naman sa ospital ang biktimang nagtamo ng anim na saksak sa likod.

Napalat din na magkakilala umano si Berry at ang biktima.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naaresto si Berry.

Una na siyang nakulong noong Disyembre nakaraang taon sa salang third-degree assault at battery.

Facebook Comments