Lalaking namboboso sa fitting room, huli sa CCTV

CCTV footage from the victim's Facebook post.

Dumulog sa social media ang isang dalagang nabiktima umano ng pamboboso sa fitting room ng isang kilalang mall sa Maynila.

Sa CCTV footage na ibinahagi ng biktima, aakalain mong nag-aayos lamang ng sintas ng sapatos ang lalaki. Pero ang cellphone nito, halos nakalapag sa loob ng fitting room kung saan nagsusukat ang babae.

Nang mapansin niya ang mobile phone sa sahig, agad niya raw itong sinipa at sumigaw ng “bastos ka!”


Mabilis nakatakas ang lalaking pasaway kaya hindi na siya nahabol pa ng dalaga.

“Kuya sobrang trauma yun binigay mo sakin. Ganito pala yun pakiramdam. Nakakatakot na nakaka ngatog ng mga laman,” bahagi ng post ng biktima.

Dagdag pa ng concerned citizen, nakasabay niya ang namboboso habang nag-iikot sa loob ng establisyimento.

Nangyari umano ang insidente sa Robinsons Place Manila noong Oktubre 30 ng gabi.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng awtoridad ang pambobosong naganap.

Umaasa ang netizen na magsisilbing babala sa publiko ang mukha ng salarin at kalapastangan ginawa nito.

Facebook Comments