Lalaki, sinaksak ang kapatid dahil sa babae sa Tacloban City

Tacloban City, Philippines – Dahil lamang sa babae, patay ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang kapatid sa Tacloban City.

Kinilala ang biktimang si Jonie Magno, 42-anyos habang ang suspek ay ang nakatatandang kapatid nito na si Jaime, 51-anyos.

Sa ulat, nakatanggap ang suspek na may relasyon ang kanyang misis at ang nakakabatang kapatid na siyang nag-udyok para patayin ito.


Nagtamo ng limang saksak sa katawan ang biktima na nagresulta ng agaran nitong pagkamatay.

Narekover sa crime scene ang isang duguang kutsilyo na may habang 11 pulgada.

Samantala, kaagad namang sumuko sa mga otoridad ang nasabing suspek.
DZXL558

Facebook Comments