Isang babae, nilasing bago ginahasa ang sa Iloilo City

Iloilo City, Philippines – Pinagsamantalahan ng hindi nakilalang suspek ang isang babae sa Iloilo City.

Sa ulat, nag-iiyak ang hindi pinangalanang biktima nang datnan ito ng mga pulis sa loob ng kwarto ng motel na pinagdalhan sa kanya ng suspek na agad nakatakas.

Paniwala ng mga otoridad, nilasing ng suspek ang biktima bago nito gawin masamang hakbang.


Na-rescue ang biktima ng humingi ito ng saklolo sa kanyang kapatid.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang totoong nangyari sa biktima kaya’t nagpapatuloy ang imbestigasyun ng mga kapulisan sa insidente.
DZXL558

Facebook Comments