Lalaki-sinaksak ng may sira sa isip

71

Alabel, Sarangani—sugatan ang isang lalaki matapos itong sinaksak ng isang may sira sa pag-iisip sa may Prk. 7, Barangay Baluntay, Alabel, Sarangani Province.
Kinilala ang biktima na si Emmanuel Elosilda, 29, residenti ng Barangay Maribulan, Alabel. Alas 7:00 ng gabie habang nasa harapan ng isang bahay sa Barangay Baluntay ang nasabing biktima nang bigla itong sinaksak ng suspek sa kanyang likod.
Agad naman itong umalis na parang walang nangyari. Wala rin naglakas ng loob na mga residenti na itoy arestuhin dahin sa takot na sila naman ang saksakin.
Agad namang ginala ng Dr. Jorge Royeca Hospital dito sa Gensan ang biktima matapos itong nagtamo ng sugat. Pinaghahanap na rin sa ngayon ng kasapi ng Alabel PNP ang nasabing suspek.

Facebook Comments