Lalaking natagpuang puno ng saksak-nakilala na

202

General Santos City—kinilala na ng pulisya ang isang lalaki na natagpuang wala nang buhay sa isang bakante lote sa Prk. Cabuay, Barangay Sinawal Gensan. Ang nasabing biktima ay kinilalang si Lito Yosoris, 25, isang Sikad Driver, at residenti ng Prk. 2, Barangay Katangawan.
Alas 12:00 ng hating gabi ng pumunta ang ina nang biktima na si catalina Palapar, residenti ng nasabing Barangay sa Police Station 2, matapos nakarating sa kanya ang balita na may natapuang katawan ng isang lalaki na tugma sa pagkakilanlan ng kanyang anak.
Sinamahan agad ng pulisya ang ginang sa Punerarya na dinalhan sa biktima at nang makita nito ang lalaki bigla itong napahagolgol ng iyak matapos na nakumperma na anak nito ang nasabing biktima.
Sinabi ng ginang na martes ng gabi ng umalis sa kanilang bahay ang kanyang anak para mamasada ng kanyang sikad sa Lagao Public market pero hindi na ito nakauwi ng kanilang bahay.
Naniniwala ang ginang na nakarnap ang Tri-sikad ng biktima dahil hindi ito natagpuan hanggang sa ngayon. Hindi din naniniwala ang ginang na may iba pang motibo sa pagpatay sa kanyang anak dahil wala naman itong kalaban sa kanilang lugar at wala din umano itong kinasasangkutan na iligal.

Facebook Comments