Lalaki, sinisi ang hangin sa nahuling droga sa sasakyan

Arestado ang isang lalaki sa Florida, US na nangatwirang dinala ng hangin ang pakete ng cocaine na nakita sa kanyang sasakyan.

Napansin ng mga pulis na may sinubukang itapon si Joseph Zack noong parahin ito dahil sa hindi pagsunod sa stop sign sa Fort Pierce nakaraang buwan, ayon sa The Smoking Gun.

Hinalughog ng pulisya ang sasakyan ng 37-anyos at nadiskubre ang isang crack pipe (buong cocaine) at paketeng may lamang puting pulbos na nagpositibo sa nasabing droga.


Itinanggi ni Zack na pagmamay-ari niya ang kontrabando at sinabing baka tinangay ito ng hangin sa kanyang kotse.

Dinala siya sa St. Lucie County Jail sa kasong may kinalaman sa iligal na droga at nakalabas din matapos mag-piyansa.

Nakatakdang sintensyahan sa korte si Zack sa Disyembre 3.

Facebook Comments