Probinsya ng Isabela, Idineklarang ‘Special Non-Working Holiday’ ang December 6, 2019

*Cauayan City, Isabela- *Idineklarang Special Non-Working Holiday sa buong Lalawigan ng Isabela sa darating na Disyembre 6, 2019 para sa isasagawang sabayang pagtatanim upang mapangalagaan ang inang kalikasan.

Batay sa ipinalabas na Executive Order no. 54 mula sa tanggapan ni Isabela Governor Rodolfo Albano III, hinihikayat nito ang lahat ng sektor ng lipunan na makiisa sa pagtatanim ng iba’t ibang punong kahoy sa lahat ng lugar sa probinsya.

Matatandaang noong July 25, 2019 nang magpalabas din ng Executive Order no. 15 si Gov. Albano para naman sa pagtatanim ng punongkahoy na isang milyon kada araw sa bulubunduking bahagi ng Sierra Madre.


Inaasahaan naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na mas lalo pang madaragdagan ang bilang ng mga tao na makikiisa sa nasabing aktibidad.

Facebook Comments