Lalaki, sugatan matapos pagbabarilin sa Makati

Manila, Philippines – Sugatan ang 26-anyos na lalaki nang barilin sa Barangay Rizal, Makati City.

Nagtamo ng tama sa tainga na tumagos sa pisngi si Noel Ignacio, residente ng South Side, Taguig City, nang tambangan sa may Blueboz Street sa Makati ng hindi nakilalang suspect.

Itinakbo sa Ospital ng Makati si Ignacio, habang tumakas naman ang suspect patungo sa may Gandiola Street.


Narekober sa lugar ang basyo ng bala mula sa kalibre 45 na baril.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril.
DZXL558

Facebook Comments