Dalawa katao, arestado dahil sa iligal na droga

Manila, Philippines – Bagsak sa kulungan ang dalawa katao matapos mahulihan ng droga sa Tondo, Maynila.

Nagkasa ng anti-drug operation ang Raxabago Police Community precint sa Velasquez St., Tondo, Maynila.

Sinita ng mga kagawad ng Raxabago police sina Raymundo Ignacio at Henry Dimagmaliw nang kapkapan ay nakuha sa pag-iingat nila ang apat na sachet ng shabu.


Sasampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments