Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin sa gitna ng masayang inuman sa loob ng barracks ng isang solar power plant sa Bugallon.
Saksi umano ang security guard sa inuman ng mga trabahador nang biglang mauwi sa tensyon at sagutan ng biktima at ng suspek.
Bigla umanong kinuha ng suspek ang isang patalim na nasa mesa at sinaksak ang biktima.
Agad naman isinugod ng mga kasamahan ang biktima sa ospital at kasalukuyan itong nagpapagaling.
Samantala, mabilis na rumesponde ang mga pulis at inaresto ang suspek kabilang ang patalim na ginamit.
Dinala ang suspek sa Bugallon Police Station para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









