Aklan – Ginagamot pa rin sa ospital ang isang lalaki matapos tagain ng kanyang hipag sa Barangay Arcanghel Sur, Balete, Aklan.
Ayon sa biktimang si Jeric Castillo, nagwawalis siya sa loob ng kanilang bahay nang manggulo ang kanyang limang taong gulang na pamangkin.
Dahil dito ay pinakiusapan niya ang kanyang hipag na kunin ito upang makapagwalis ng maigi subalit hindi sya pinapansin.
Sa galit ay pinalo niya ng walis tambo ang kanyang pamangkin na ikinagalit naman ng kanyang ina kaya’t pinalo siya ng kahoy sa kamay.
Gumanti naman ang biktima subalit nakakita ng isang itak ang hipag at tinaga siya sa kaliwang balikat.
Hindi naman na nagsampa pa ng kaso ang pamilya ng biktima.
Facebook Comments