LALAKI, SUGATAN MATAPOS TUMILAPON SA KARAMBOLA NG TATLONG SASAKYAN SA LABRADOR

Sugatan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang isang construction worker matapos tumilapon sa kalsada at masalpok ng kasalubong na sasakyan sa Brgy. Uyong Labrador, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas onse ng gabi noong Sabado, nang mabangga ng mabilis umanong tumatakbong motorsiklo, na sinasakyan ng biktima, ang kasalubong na kotse.

Dahil dito, tumilapon sa kalsada ang biktima at nabunggo pa ng isang paparating na van.

Agad naman nadala sa pagamutan ang biktima para sa agarang gamutan.

Dinala naman sa kustodiya ng pulisya ang napinsalang motor para sa tamang disposisyon habang nireresolba ng mga sangkot na panig ang insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments