Lalaki, sugatan sa pamamaril sa Taguig City

Manila, Philippines – Sugatan ang isang lalaki matapos barilin ng isang motorista na sinasabing nakaalitan nito sa Brgy. Ususan, Taguig City.

Ginagamot ngayon sa ospital ang biktima na nakilalang si Dan Anthony Peña habang nakatakas naman ang suspek na si Gary Cruz.

Batay sa report, naglalakad sa P. Mariano st sina Peña at Cruz nang maungkat ang dating alitan.
Bigla na lang bumunot ng baril ang suspek bago pinaputukan ang biktima.


Mabilis na tumakas si Cruz sakay ng kanyang Honda Civic na sasakyan na may plakang WEH- 628.

Dalawang basyo ng 9MM na baril ang natagpuan ng SOCO sa pinangyarihan ng insidente.
DZXL558, Goyagoy

Facebook Comments