Sitwasyon sa Manchester,patuloy na mino-monitor ng Philippine Embassy matapos ang concert bombing

105

Manila, Philippines – Patuloy na mino-monitor ng Philippine Embassy sa London ang sitwasyon sa Manchester,England.

Ito ay habang patuloy na ina-alam ang nationalities ng mga nasawi at nasugatan sa pagpapasabog sa concert ni Ariana Grande sa Manchester Arena.


Sa ngayon,naninindigan ang embahada na walang Pilipinong kabilang sa mga nasaktan o casualties sa suicide attack.

Sa naturang pag-atake, dalawamput dalawa ang nasawi at limamput siyam ang mga nasugatan.

Nagpa-abot na rin ang Philippine government ng simpatiya sa United Kingdom of Great Britain at Northern Ireland , gayundin sa pamilya ng mga biktima.

DZXL558, Joyce Adra




Facebook Comments