Lalaki, sugatan sa pamamaril sa Taguig

Taguig City – Sugatan ang isang lalaki matapos barilin habang bumibili ng taho sa Taguig City.

Nagpapagaling na sa Taguig Pateros Hospital ang biktima na si Jeffrey Castro, 26-anyos.

Ayon sa Southern Police District (SPD), bumibili lang noon ng taho ang biktima nang barilin ng dalawang beses ng isang suspek.


Inaalam pa ngayon ang pagkakakilanlan at motibo ng suspek sa pamamaril.

Facebook Comments