Pagkakakilanlan ng lalaking nangholdap sa taxi driver, natukoy na

53

Caloocan City – Natukoy na ng mga awtoridad ang lalaking nangholdap sa isang taxi driver sa Caloocan City.

Sa kuha ng dashcam ng taxi ni Wilmor Capellan noong madaling araw ng Biyernes, mapapanood na sumakay ang isang pasaherong naka-jacket at sombrero at nagpahatid papuntang Caloocan.

Ayon kay Capellan, pagdating sa Samson Road sa Caloocan, doon na nagsabi ang pasahero na bababa.

Dahil dito, binuksan raw niya ang ilaw ng taxi pero dali-dali itong pinapatay ng pasahero na biglang naglabas at nanutok ng baril.

Natangay ang cellphone, alahas, kita sa pasada at personal na pera ni Capellan na aabot sa P21,000.

Facebook Comments