Sugatan ang isang lalaki nang saksakin nang nakababatang kapatid sa kanilang bahay sa Brgy. Amansabina, Mangaldan, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon, nauwi sa pananakit ang mainit na sagutan ng magkapatid nang saksakin ng 24 anyos na suspek ang 29 anyos na biktima.
Sinubukan pa umanong awatin ng bayaw ang dalawa nang masaksihan ang alitan ng mga ito.
Dinala sa pagamutan ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa Mangaldan Police Station, posibleng ituloy na sampahan ng kaukulang kaso ang suspek na nasa kustodiya na ng kapulisan.
Facebook Comments









