
Naniniwala ang kampo ni Senador Jinggoy Estrada na mahina ang mga ebidensiyang nagdidiin sa kaniya sa mga maanomalyang flood control projects.
Pahayag ito ng legal counsel ni Estrada nang magtungo ang senador sa Department of Justice (DOJ) ngayong Huwebes para personal na magsumite ng kaniyang kontra salaysay.
Nahaharap si Estrada sa reklamong plunder dahil sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.
Ayon kay Atty. Bianca Soriano, hindi sapat ang mga dokumento at testimonya para umusad ang reklamo dahil sa mga inconsistencies ng ilang testigo sa kaso.
Samantala, kinumpirma rin ng kampo ni Estrada na naghain sila ng mosyon sa Manila Regional Trial Court para alisin ang Precautionary Hold Departure Order (PHDO) dahil sa kawalan umano ng batayan.
Bago niyan ay hiniling na rin ng senador sa Sandiganbayan na payagang siyang makalabas ng bansa mula March 30 hanggang April 5 para sa personal trip.
Una nang sinabi ng Justice Department na haharangin nila ang anumang mosyon para ipawalang bisa ang PHDO sa paniniwalang may sapat silang batayan.










