Lalaki, timbog matapos magnakaw at magpanggap na tanod       

28

Manila, Philippines – Inaresto ng Manila City Police ang isang lalaking nagpanggap na barangay tanod sa Sampaloc, Maynila.


Ito ay matapos na mahuling nagnakaw ang suspek na nagpanggap na tanod at suot ang isang barangay vest at uniporme ng isang barangay tanod.

Ayon sa may-ari ng bahay na si Dante Santiago, may bitbit pa na flashlight ang suspek na inakala nilang nag-iinspeksiyon lang.

Doon na nagduda ang may-ari at sinita ang suspek tsaka isinama sa istayon ng mga pulis.

Kinilala ang suspek na si Joaquin Pabito Capulong kung saan napag-alaman na ang unipormeng suot ng suspek ay pagmamay-ari ng kanyang tiyuhin na tanod.

Nakuha sa suspek ang tatlong relo, ATM, gadget na notepad, pliers, screw driver at isang ID.

Hawak na ng mga otoridad ang suspek at nahaharap sa kasong trespassing at robbery.




Facebook Comments