Lalaki, timbog sa buy-bust operation

76

*Cabagan, Isabela*- Timbog ang isang lalaki sa brgy. Casibarag Norte, Cabagan, Isabela sa isinagawang buy-bust operation na ikinasa ng Cabagan Police Station

Kinilala ang suspek na si Rowel Guzman, 39 anyos, may asawa tricycle driver at residente ng brgy. Anao, Cabagan, Isabela


Narekober sa suspek ang isang plastic sachet ng pinaghihinalahang shabu at 500 pesos na buy-bust money

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Cabagan Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers