Onanay Stop: Ini-scam din ang scammer, viral

1321
Image via Kal @ariesleguin_el on Twitter

Nag-viral ang tweet ni Kal (@ariesleguin_el) kung saan ini-scam niya rin ang gustong mang-scam sa kaniya.

Ayon sa text ng ‘scammer’, nanalo siya ng P650,000 worth of cash. Kadalasang format ng text messages ng mga scammer.


“Maraming salamat sa pagsubscribe mo sa Daily Onanay Facts ka-TM! Mababawasan ka ng P25 regular load araw-araw,” reply ni Kal.

Agad namang nagreply ang scammer ng “STOP” at “ONANAY STOP”.

Sa ngayon, umabot na sa 7,025 retweets ang naturang tweet at 37,451 likes.

Facebook Comments