Lalaki timbog sa droga ng PP2

Timbog ang isang 37 anyos na lalaki matapos itong mahulihan ng droga ng mga elemento ng PP2 pasado alas kuwatro ng hapon noong sabado sa General Luna street barangay RH-4 ng lungsod. Kinilala ang naareso nasi Jary Acosta Chiong na residente ng Pastor Kimpo street barangay RH-13 Cotabato city, na nakuhanan ng isang sachet ng shabu. Ayon sa blotter, nagsagawa ng Comelec checkpoint sa kanto ng General luna at de masenod street sina Insp.Cantor ng dumaan ang isang Honda XRM at nang matapat sa checkpoint ay bigla umanong tumalon at tumakbo ang suspect na angkas ng motorsiklo.Dito na siya hinabol ng mga pulis at ng maabutan at kapkapan ay tumambad ang isang sachet ng shabu. Siyay kaagad na hinuli at ngayon ay nakapiit nasa lock-up cell ng PP2 na nahaharap sa paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments