LALAKI, TIMBOG SA DRUG BUY-BUST OPERATION SA BRGY. MAYOMBO, DAGUPAN CITY

Timbog ang isang drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng Dagupan City Police Office (DCPO) madaling araw ng March 21, 2026.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Police Station 2 bandang alas-12:30 ng madaling araw sa Barangay Mayombo sa pangunguna ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), katuwang ang City Intelligence Unit (CIU), at sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 1.

Kinilala ang suspek na residente ng Calasiao na nahuli matapos magbenta ng iligal na droga ang isang poseur buyer.

Nakumpiska mula rito ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang isang gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱6,800.

Narekober din ang iba pang ebidensya, marked at boodle money na ginamit sa operasyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng DCPO ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments