Lalaki, Timbog sa Drug Buybust Operation!

Cauayan City, Isabela- Nagwakas na ang modus operandi ng isang lalaki na nasa DI list ng PDEA matapos mahuli sa isinagawang drug buybust operation ng kapulisan sa Lumabang St., Poblacion South, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj. Emmanuel Gomez, hepe ng PNP Solano, ang suspek ay nakilalang si Paul Andrew Argueza, 36-anyos, may-asawa at residente rin sa naturang lugar.

Narekober sa kanyang pag-iingat ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu at isang libong piso na marked money na ginamit ng pulis na nagpanggap na poseur buyer.


Tinangka pa umanong tumakas ng suspek at itapon sa isang basurahan ang kanyang hawak na isang pakete ng shabu nang malaman niya na pulis ang kanyang ka-transaksyon.

Ngayong araw ay sasampahan na ng kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of 2002 si Argueza.

Facebook Comments