Ayon sa Urbiztondo Police Station, isinagawa ang pag-aresto alas-nuwebe ng umaga nitong Miyerkules, Nobyembre 11, 2026, sa Barangay Poblacion, sa bisa ng warrant of arrest.
Nahaharap ang suspek sa kasong physical abuse sa ilalim ng RA 9262 na may inirekomendang piyansang ₱3,000, at psychological abuse sa ilalim din ng nasabing batas na may inirekomendang piyansang ₱72,000.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Urbiztondo Police Station ang suspek habang hinihintay ang kaukulang dokumentasyon at disposisyon ng kanyang kaso.
Samantala, tiniyak ni Police Major Rivera na magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga wanted person, gayundin ang kampanya kontra kriminalidad at iligal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








