LALAKI, TIMBOG SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA

Arestado ang isang truck drayber matapos mahulihan nagbebenta ng iligal na droga sa ikinasang buybust operation ng PDEA at PNP kaninang madaling araw, Hulyo 21,2022.

Kinilala ang supek na si Benjamin Francisco Talosig, 38 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Duminit, Cauayan City, Isabela.

Nadakip si Talosig ng maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa isang ahente ng PDEA na nagpanggap na poseur buyer.

Nasamsam mula sa supek ang isang plastic sachet na naglalaman ng 0.02 gramo ng droga na nakakahalaga ng 2,000 pesos.

Nakuha rin mula sa kanya ang tatlong piraso ng ziplock na naglalaman ng 500 gramo ng pinatuyong dahon ng Marijuana na may street value na 6,600 pesos.

Kinumpiska rin sa pagiingat ng lalaki ang isang cellphone, pera at isang motorsiklo.

Nabatid na dati ng sumuko ang suspek sa perehong kaso noong Hulyo, 24, 2016.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments