Risa Hontiveros, naghain ng resolusyon sa pagkamatay ni Myca sa buy-bust operation

180
File photo

Ipinahayag ni Senator Risa Hontiveros na isusulong niya ang imbestigasyon sa pagkamatay ng tatlong taong gulang sa war on drugs.

Tugon ni Risa, nagagalak siya na humingi ng paumanhin si Senator Bato dela Rosa sa kaniyang pahayag na “Sh*t happens” dahil sa insidenteng nangyari.


Umani ng batikos mula sa mga netizen pati senador ang naging pahayag ni Bato.

Inutusan naman ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang Internal Affairs Service ang humawak ng imbestigasyon kay Myca.

Si Myca Ulpina ang pinakabatang namatay na naitala sa program ng administrasyon kontra droga. Namatay si Myca noong Hunyo 30 kasama ang tatay nito na target ng operasyon.

Ayon sa mga pulis, ginawang panangga ng ama ang kaniyang anak sa mga pulis ngunit itinanggi naman ng ina ito.

Facebook Comments

From Advertisers