Lalaking 4 na beses umanong hinalay ang sariling pamangkin, timbog!

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos ireklamo ng panggagahasa sa kaniyang sariling pamangkin sa Blumentrit Market, Maynila.

Ayon kay Lacson, PCP Commander Pol. Capt. Edwin Fuggan, napansin ng mga magulang at ng lolo ng bata na nilalagnat at iniinda nito ang pananakit ng kaniyang puson kaya at agad itong dinala sa center.

Nang tanungin aniya ang bata, inamin nitong apat na beses siyang pinagsamantalahan ng kanyang tiyuhin na kapatid ng kaniyang ina.


Tinakot rin raw ito ng tiyuhin na papatayin ang kaniyang lolo kapag siya ay nagsumbong.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong statutory rape.

Facebook Comments