Lalaking ‘adik’ sa mobile games, nabulag ang kaliwang mata

FILE PHOTO

SHENZEN, CHINA – Panandaliang nabulag ang kaliwang mata ng isang lalaki dahil umano sa labis na paglalaro ng mobile games.

Kuwento ng pasyente, wala na siyang maaninag pa mula nang magising sa magdamag na paglalaro.

Kaagad siyang nagtungo sa Shenzhen Songgang Hospital para ipasuri ang pagkabulag sa nasabing parte ng katawan.


Batay sa eksaminasyon ng mga espesyalista, nagkaroon siya ng hemorrhage sanhi ng labis na pagdurugo ng superficial retinal vessels niya.

Tinatawag na ‘valsalva retinopathy’ ang kondisyon ng binata na kadalasang bunga ng physical exertion.

Biglang paglabo ng mata o temporaryong pagkabulag ang sintomas ng nasabing karamdaman. Kapag hindi naagapan, maaring hindi na makakita pa ang pasyente habambuhay.

Sumailalim sa laser surgery ang umano’y adik sa mobile games at inaasahang gagaling sa susunod na buwan.

Facebook Comments