San Carlos City, Pangasinan – Hinoldap ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang isang 22-anyos na binata na bumibili lamang sa isang tindahan sa lungsod ng San Carlos sa Pangasinan.
Nakilala ang biktimang si Jess Pagaduan, residente ng Brgy. Coliling sa lungsod kung saan nangyari ang hindi inaasahang holdapan pasado ala 1:00 ng hapon. Base sa report, abala ang biktima sa pagkuha ng mga order nito sa isang sari-sari store at bigla na lamang dumating ang mga lalaking angkas ng motor at bumaba ang backride nito sabay tutok ng baril sa biktima at nagdeklara ng holdap.
Natangay ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang kanyang cellphone na nagkakahalaga umano ng higit P20, 000.
Sa ngayon, patuloy na inaalam ng PNP San Carlos ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa krimen.