Lalaking dalawang beses na nasawi sa pag-ibig, nagbigti sa Pandacan Maynila

85

Manila, Philippines – Natagpuan ang isang bangkay ng isang 33-anyos na house labor na umano’y nagbigti dahil sa dalawang beses na nabigo sa pag-ibig sa Pandacan, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Jovencio Pagaduan Jr., kung saan may nakapulupot na cable wire sa leeg nito nang madiskubre.

Sa ulat, inirereklamo ng kapit-kwarto ang masangsang na amoy na galing sa kwarto ng biktima.

Nang buksan ang kwarto ng biktima ay dito na nadatnan ang wala nang buhay na katawan nito.

Patuloy na inaalam kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

DZXL558

Facebook Comments