Grab taxi driver, arestado dahil sa pagbebenta ng iligal na droga

54

Manila, Philippines – Arestado sa drug buy-bust operation ang isang driver ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Quezon City.

Ayon kay QCPD Station 7 Commander, Supt. Louise Benjie Tremor – kinilala ang suspek na si Elagio Qiburcio na pilit naman nitong itinatanggi.

Narekober mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at dalawang cellphone.

Sa pahayag mula sa Grab Philippines, kinokondena nila ang lahat ng uri ng krimen na maaring kasangkutan ng kanilang mga driver.

Tiniyak ng Grab na iimbestigahan nila ito kung saan permanente nang naka-ban ang driver at handa silang makipagtulungan sa otoridad.

Sinabi naman ni Station Drug Enforcement Unit Chief, senior Insp. Ramon Quiatan – hindi dapat mangamba sa pagsakay sa mga TNVS.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

DZXL558

Facebook Comments