Lalaking Drayber ng Motorsiklo na Natumba ng Makabangga ng Kalabaw, Patay Matapos aksidenteng Mabangga ng isang Sasakyan!

Naguilian, Isabela- Idineklarang Dead on Arrival ang isang lalaki matapos aksidenteng mabangga ng kasalubong na sasakyan ng matumba ito dahil sa biglang tumawid na kalabaw sa kalsada partikular sa Brgy. San Manuel Naguilian, Isabela.

Kinilala ang drayber ng motorsiklo na si Christian Ilayat Paragas, 23 anyos, walang asawa at residente ng brgy. Yeban, Benito Soliven habang ang drayber naman ng Isuzu Forward ay kinilalang si Melanio Rodillas Tabunar, 47 anyos, at residente naman ng brgy. Villaliz, Benito Soliven, Isabela.

Batay sa ipinarating na impormasyon ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa RMN Cauayan ay tinatahak umano ng biktima ang silangang bahagi ng kalsada sa naturang barangay ng may biglang tumawid na kalabaw sa daan na nagresulta ng pagkakatumba nito kaya’t tumilapon sa kabilang bahagi ng kalsada kung saan ay aksidente namang nabangga ng paparating na sasakyan mula sa kasalungat na bahagi ng daan.


Samantala, nagtamo naman ng matinding pinsala sa katawan ang biktima na sinubukan pang isugod sa pinakamalapit na pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay habang dinala naman ang kanilang mga sasakyan sa himpilan ng kapulisan para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments