Lolo, Patay Matapos Mabangga ng Motorsiklo sa Delfin Albano, Isabela!

Delfin Albano, Isabela- Patay ang isang lolo matapos itong aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo habang naglalakad sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. San Juan, Delfin Albano dakong 7:45 kagabi Agosto 25, 2018.

Kinilala ang nasawi na si Alfredo Padre, 69 anyos, may-asawa, residente sa naturang Barangay habang kinilala naman ang drayber ng motorsiklong nakabangga na si Eric Laddaran, 23 anyos at residente naman ng Brgy. San Andress, Delfin Albano, Isabela.

Batay sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan ay tinatahak umano ni Laddaran ang nabanggit na lansangan ng aksidente naman umano nitong mabangga ang naturang biktima na naglalakad sa nasabing lugar.


Samantala, nagtamo naman ng pinsala sa kanyang katawan ang biktima kaya’t dalidaling isinugod sa pagamutan ngunit idineklara itong Dead on Arrival habang dinala naman ng sa kustodiya ng PNP Delfin Albano si Laddaran para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.

Luzon, Cauayan City, Delfin Albano, Isabela, PNP Delfin Albano Valley Cops, DWKD 98.5, RMN Cauayan, Isabela PPO.

Facebook Comments