Lalaking Empleyado ng LGU Santiago City, Natagpuang Patay sa kanyang Kwarto!

64

*Santiago City, Isabela- *Bangkay na ng matagpuan ng mga otoridad ang isang lalaki na empleyado ng LGU Santiago City matapos itong marekober bandang alas otso y medya kaninang umaga sa Purok 3, Buena Vista, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Alex Binosa Pulong, 38 anyos at residente rin ng nasabing barangay.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan sa Santiago City Police Station 1, tinungo umano ng isa sa mga kasamahan ang bahay ng biktima dahil mahigit tatlong araw na umano itong hindi pumapasok sa kanyang trabaho at hindi na rin umano nito sinasagot ang kanilang mga tawag.

Dahil dito ay pinilit umanong buksan ng kasama ng biktima at mga kamag-anak ni Pulong ang pintuan ng kanyang kwarto at dito na nakita ang wala ng buhay ni Pulong at wala ring suot sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Santiago City hinggil sa pagkasawi ni Alex Binosa Pulong.

Facebook Comments