Lalaking Hinampas ng Pala sa Ulo, Malubha ang Kalagayan!

Nasa malubhang kalagayan ang isang lalaki matapos itong hampasin ng pala sa ulo ng kanyang bayaw sa brgy. Sinsayon, Santiago City.

Kinilala ang biktima na si Leopoldo Dalit, 56 anyos, may asawa magsasaka habang ang suspek ay kinilala namang si Ricardo Ubaldo, 32 anyos, may asawa at pawang mga residente ng Sinsayon, Santiago City.

Batay sa ulat ay rinespondehan ng kapulisan ang naturang insidente matapos itong ipagbigay alam ng isang concerned citizen at batay sa pagsisiyasat ay nag away umano ang biktima at ng kanyang asawa ng makialam si Ubaldo na bayaw nito.


Dagdag rito ay umalis ang biktima at nagtungo sa bahay ng kanyang kaibigan at pag uwi nito ay hinampas ito ni Ubaldo ng pala na naging dahilan upang magtamo ito ng matinding pinsala sa ulo.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima habang napag-alaman naman ng mga otoridad na positibo ang mga ito sa alak.

Sa ngayon ay nahaharap naman sa kasong frustrated homicide si Ubaldo.

Facebook Comments