Pangulong Duterte – nagpahayag ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Chinese new year

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa Filipino-Chinese community kaugnay ng pagdiriwang ng Lunar new year.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na ang pagkakaibigan at kooperasyong naselyuhan ng Pilipinas at China ay hindi lang nagdulot ng kaunlaran at paglago ng ekonomiya kundi nagbigay din ng pagkakataon para mapangalagaan ang kakaibang kultura ng bawat isa.

Hangad umano ni Pangulong Duterte na magdala ng panibagong pag-asa, inspirasyon at mas marami pang achievements para sa Filipino-Chinese community at sa buong bansa ang pagdiriwang ng Chinese new year.


Facebook Comments