
Naaresto ang isang 36-anyos na lalaki matapos hindi magbayad ng mga produkto sa isang tindahan sa Binalonan kahapon ng gabi, Marso 10, 2026.
Ayon sa ulat ng kapulisan, napansin umano ng mga saksi ang lalaki na palabas na ng tindahan dala ang brown shoulder bag at sando bag na puno ng grocery items.
Agad namang hinarang ng mga empleyado ng tindahan ang lalaki dahil hindi pa nito nababayadan ang mga produktong dala.
Nakumpiska mula sa kanya ang iba’t ibang grocery items na nagkakahalaga ng ₱2,709.55, kabilang ang frozen goods, gatas at iba pa.
Dahil dito, dinala ang suspek sa Binalonan MPS para sa kaukulang imbestigasyon at dokumentasyon sa insidente.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng awtoridad ang publiko na mag-ingat at i-report agad ang anumang kahina-hinalang kilos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










