Lalaking Jesus ang pangalan, arestado sa pambabasag ng bintana sa simbahan sa US

224
Stock photo

Dinakip ang isang lalaking nagngangalang Jesus matapos umaming nambasag ng halos 100-taon nang stained glass na bintana ng isang simbahan sa North Carolina, US.

Tinatayang 2 square feet ang nawasak ni Jesus Jose Arellano sa 30-foot antique na bintana ng Grace Moravian Church noong Mayo 18, ayon sa ulat ng WXII.


Gumamit umano ng bato ang suspek para sirain ang anim na pulgadang Plexiglass bago tuluyang mabasag ang bintana.

Natagpuan ng awtoridad si Arellano kinabukasan sa sementeryong malapit sa simbahan.

Sinampahan na siya ng reklamong injury to real property.

Wala namang ideya ang simbahan sa maaaring dahilan ng paninira ni Arellano.

Facebook Comments