LALAKING KABILANG SA GRUPO NG MGA KRIMINAL SA REHIYON, TIMBOG!

Cauayan City – Matapos ang matagal na pagtatago sa mga awtoridad at sa kamay ng batas, sa wakas, na dakip na ang isang lalaking tubong Cagayan na miyembro ng isang Criminal Group sa Cubao, Quezon City.

Ang nadakip ay kinilalang si alyas “Bennie”, 42 anyos at residente ng Brgy. Remus, Baggao, Cagayan, na kabilang sa grupo ng Potential Private Armed Group (PPAG) na kung tawagin ay “Babaran Group”, na umano’y nasasagawa ng criminal activities sa lalawigan ng Isabela.

Sa bisa ng Warrant of Arrest, naaresto ng mga awtoridad si Alyas “Benjie” dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms And Ammunition Regulation Act na mayroong piyansang nagkakahalaga ng P120,000, at RA 9516 o kilala rin bilang PD 1866 on Illegal Possession of Firearms.


Ang naturang grupong kinabibilangan ng suspek ay posible umanong mayroong iniingatang ilegal na mga armas na maaaring ginagamit sa mga kriminal na aktibidad.

Facebook Comments